Close

Misis, sugatan sa pagsabog sa Cotabato City

Sponsor ads


COTABATO CITY - Ginulantang ng malakas na pagsabog ang mga residente ng Purok 4 sa Mother Barangay Kalangan ng lungsod pasado alas-9:00 Huwebes ng umaga.

Sugatan sa naganap na pagsabog ng hindi pa natukoy na uri ng pampasabog ang isang ginang na kinilala ng kanyang mga kasamahan na si Noriguiq Jamal, 35-anyos, may asawa na residente ng nasabing lugar.

Ayon sa salaysay, bago ang pagsabog naglilinis ng kanilang bakuran ang biktima hanggang sa pinulot niya ang inakalang basura nang biglang sumabog.

Nagtamo ng sugat sa kanyang tiyan at kaliwang kamay ang biktima na agad dinala sa Notew Dame Hospital upang mabigyan ng lunas.

Magmula sa mga sandaling ito ay nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga kapulisan sa lungsod habang ginagamot si Noriguia Jamal. By Rocky Daemon Lauban