Close

Miriam Quiambao, posibleng magsilang ng premature baby

Sponsor ads


Humiling ng panalangin at suporta si Miss Universe 1999 first runner-up Miriam Quiambao dahil kumplikasyon na pinagdadaan nito sa kaniyang pagbubuntis.

Sa isang post ni Miriam sa kaniyang Instagram account, inihayag nito na posibleng isilang niya ang unang anak na isang premature baby.

Kaugnay nito, inihayag ng asawa ng dating beauty queen na si Ardy Roberto na posibleng isailalim si Miriam sa isang emergency Cesarean procedure depende sa magiging resulta ng kaniyang latest ultrasound.

Ang dahilan nito, wala sa tamang laki ang kaniyang sanggol batay sa edad nito at dahil na rin sa isang blood obstruction sa kaniyang placenta.

"The Perinatologist says my placenta is still thickened and getting 'older' and calcified. This means that it’s getting harder and further obstructing blood flow of nutrition and oxygen of the baby. "As a result, the baby is still small for his age, and is about two weeks behind in terms of growth.", pahayag ni Miriam.

#####