Close

Milyun-milyong halaga ng alahas, nilimas sa Ritz Hotel sa Paris

Sponsor ads


Nilimas ng limang kalalakihan ang milyun-milyong euro halaga ng alahas mula sa isang jewelry shop sa loob ng sikat na Ritz Hotel sa Paris.

Ayon sa ulat, armado ng itak ang mga suspek na syang ginamit para basagin ang salamin ng jewelry shop.

Naaresto ng mga otoridad ang tatlong suspek habang nakatakas ang dalawang iba pa.

Inaalam pa ang kabuuang halaga ng ninakaw na paninda sa jewelry shop pero mayroong narekober na looted items ang pulisya na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit 4 milyong euros.

Naiulat din na napigil ng isang pulis na nagpa-patrolya ang nasabing heist.

Samantala, pinapurihan naman ng hepe ng pulisya ang mga rumespondeng mga pulis at dahil sa matinding police presence sa area.




Image from: Fox News