Close

Milyon-milyong tao namamatay kada taon, dahil sa kawalan ng quality medical care – study

Sponsor ads


Walong milyong katao ang namamatay kada taon dahil hindi nabibigyan ng high-quality medical care ayon sa bagong study na inilathala sa Health Affairs journal noong Hunyo.

Batay sa co-author ng pagaaral na si Dr. Blake Alkire, isang instructor ng Otolaryngology sa Harvard Medical School, isa ang insidenteng ito sa mga serious humanitarian concerns lalo pa’t ang natalang mortality rate ay dahil sa mga sakit na may lunas at pwedeng gamutin kung mayroon lamang kaukulang health care sa remote at low-resource areas.

Dagdag pa niya, ang pagkawala ng ganoon karaming buhay ay mangangahulugan ng $6 trillion bawas sa ekonomiya ng mga kabilang na bansa at maaari pa itong lumaki ng $11 trillion kabawasan sa gross domestic product kung magpapatuloy ang nasabing phenomena hanggang 2030.

Saad ng isang co-author na si Dr. Alexander Peters, isang surgery resident sa Weill Cornell Medical College sa New York City at isa ring researcher sa programa ng Harvard na Global Surgery and Social Change, ang quality health care ay hindi lamang dapat natatamasa ng mga taong residente ng high-income countries dahil kailangan at vital ang quality health care sa pagaalaga at pagbibigay ng health assistance para malayo ang mga mamamayan sa iba’t ibang sakit.