Close

Militant groups, umalma sa pag-aresto ng BI sa Australian nun

Sponsor ads


Umalma ang iba't-ibang militanteng grupo sa umano'y ginagawang crackdown ng administrasyon sa mga human rights advocates.

Kasunod ito ng pag-aresto ng Bureau of Immigration (BI) kay Australian sister na si Patricia Fox.

Ayon sa mga grupong Karapatan, Kadamay, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Rural Missionaries of the Philippines at iba pa, tila iniisa-isa na ng administrasyon ang mga dayuhang kritikal kay Pangulong Rodrigo Duterte gaya ni Giacomo Filibeck, ang EU Socialist party member na hinarang makapasok sa bansa dahil kritikal ito sa war on drugs ng administrasyon.

Mababatid na pinuntahan ng anim na tauhan ng BI at inaresto si sister Fox matapos itong lumahok sa iba't-ibang rally at ilegal na political activities sa bansa.

Isinalang na sa deportation proceedings si Fox para ibalik ito sa Australia.

Si Fox, 71 anyos ay nanatili sa Pilipinas mula 1990 sa pamamagitan ng missionary visa.