Close

Miley Cyrus, nakitang may kahalikan na babae

Sponsor ads


Single na muli ang singer na si Miley Cyrus.

Ito ay matapos makumpirma ng entertainment press na hiwalay na ang 26-anyos na singer kay Liam Hemsworth matapos nila na maging kasal ng halos 8 buwan.

Sa isang pahayag ng representative ni Miley ay sinabi niya na nagkasundo ang dalawa na maghiwalay muna, habang nag-fo-focus sila sa kani-kanilang mga sarili at career.

Nanawagan rin ang kampo ni Miley ng respeto sa proseso at privacy.

Samantala, ilang oras lamang matapos ianunsyo ang break-up, ay naispotan ang "Wrecking Ball" singer na hinahalikan si Kaitlynn Carter.

Kahihiwalay lang din ni Carter mula sa partner nito na si Brody Jenner.

Ayon sa mga ulat, nakita sila Miley at Kaitlynn na naghahalikan habang bumabyahe papuntang Lake Como, Italy, kung saan ay kasama nila ang kanilang malalapit na kaibigan.

Matatandaan na sinabi ni Miley sa isang interview ilang buwan lamang ang nakararaan na nasa "hetero relationship" siya ngunit "very sexually attrated" din siya sa mga babae.