Close

Mila's Lechon, pormal nang nag-withdraw sa PBA D-League

Sponsor ads


Bumaba ang bilang ng mga kuponan na kasali sa PBA D-League matapos pormal na inanunsyo ng Mila's Lechon Roasters ang kanilang pagbibitiw sa liga.

Ito ay matapos ipatawag ni Commissioner Willie Marcial ang pamunuan ng basketball team upang pagpaliwanagin tungkol sa kontrobersyal na talo nito kontra Zark's-LPU Jawbreakers kung saan ay natambakan sila ng 47 points sa score na 102-55.

Ayon sa may-ari ng kuponan na si Aika Salangguit, meron silang internal problem na pinagdadaanan ngayon kaya napilitan sila na mag-pull out.

Mababatid na nakwestyon ang nasabing laro dahil noong unang quarter ay nasa 5 points lang ang lamang ng LPU hanggang kalaunan ay tila nawalan na ng gana ang mga manlalaro ng Mila's Lechon at nagresulta pa sa 23-0 run ang isa sa mga quarter ng laro.

Natawagan pa ng technical foul ang Mila's dahil sa sobrang dami nilang time outs.

Samantala, dahil sa pag-atras ng Mila's Lechon ay babawiin rin ang tig-isang panalo ng mga kuponan na nakatalo sakanila, ito ang JRU, Perpetual Gamboa-St. Clare at Zark's-LPU