Close

Mikee Quintos, may bagong boyfriend

Sponsor ads


Happy ngayon ang lovelife ng aktres na si Mikee Quintos sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Sa isang panayam ay inamin ni Mikee na ibinigay niya ang kanyang puso sa isang maswerteng Chinese.

Ayon sa 21-anyos na aktres, magkapareho lamang sila ng circle of friends ng kanyang boy-friend.

Matagal na rin niya ito kakilala mula pa noong High School at college days nila.

Ibinahagi rin ni Mikee na kaga-graduate lamang ng bago niyang inspirasyon sa buhay.

Nilinaw naman ni Mikee na bagama't happily inlove siya, ay ayaw niya muna mag-all out sa kanilang relasyon.

Giit niya, wala pa siya sa puntong masasabi niya ang 'I love you forever' pero nais niyang i-enjoy ang bawat panahon na kasama niya ang kanyang nobyo.