Close

Mike Tan, nagkuwento sa kanyang private wedding

Sponsor ads


Kinumpirma na ng Kapuso aktor na si Mike Tan na ikinasal na siya sa kanyang long time non-showbiz girlfriend noong January 22, 2018.

Ayon kay Mike, sinadya nilang hindi i-anunsyo ang kanilang kasal dahil tanging mga pamilya nila at malalapit na kaibigan ang imbitado sa kasal na isinagawa sa Villa Milagros ancestrak house sa Rodriguez Rizal.

Sinabi ni Mike na simula pa lang ng kanilang relasyon ay sinikap nilang maging pribado upang makaiwas sa anumang isyu sa showbiz.

Ayaw din umano nila ng bonggang kasal at ayaw nila ng camera kaya tanging cameraman ang kumuha ng letrato sa wedding kaya nagpapasalamat sila sa respeto ng mga dumalo na hindi naglabas ng letrato sa publiko.

Nanghinayang naman si Mike dahil sa pagnanais nilang maging pribado ang kasal, isang linggo na lang bago ang kasal saka pa nila ibinigay ang imbitasyon sa mga kaibigan sa showbiz kaya isa lang sa mga ito ang nakadalo.