Close

Michelle Madrigal, ikinasal sa Texas

Sponsor ads


Nakipagpalitan na ng "I do's" ang aktress na si Michelle Madrigal sa kanyang bagong hubby na si Troy Woolfolk.

Ginanap ito sa isang seremonya sa Texas, United States.

Ipinakita ng bagong kasal ang kanilang wedding photos ka kinuhanan sa iba't-ibang mga lugar kasama na dito ang kanilang paghalik sa anak nila na si Anika.

Sinabi ng dating American football player na si Woolfolk sa kanyang Instagram post: “Still on cloud 9 after yesterday. Solidifying my relationship, meeting new friends and reuniting with old ones. I love my family and can’t wait to embark on this new journey as being not only a father but now officially a husband!”

Matatandaan na nakilala ni Madrigal si Woolfolk nang siya ay umalis sa showbiz nang siya ay mag-intern sa Texas para sa kanyang culinary course.

Na-engage naman silang dalawa nang sila ay bumyahe patungong Dominican Republic noong 2017, o sa panahon panahon na pinagbu-buntis ni Magdrigal ang kanilang baby girl na si Anika.