Close

Mga taong naninigarilyo, mas mataas ang tyansang magka-dementia

Sponsor ads


Lumalabas sa isang bagong pag-aaral na ang paninigarilyo ay nagdudulot ng mas mataas na tyansa ng pagkakaroon ng dementia ng isang tao.

Mas mababa naman ang tyansang magkaroon ng masamang kondisyon sa utak ang mga taong tumigil na o talagang hindi gumagamit ng sigarilyo ayon sa isang korean study.

Ang taong matagal ng naninigarilyo ngunit tumigil na ay mas mababa ng 14% ang tyansang magkaroon ng Alzheimer's disease sa kanyang pagtanda.

Dagdag pa rito mas mababa din ng 32% ang tyansang madevelop sa kanila ang sakit na vascular dementia.

Habang ang mga taong kahit kailan ay hindi nanigarilyo ay mas mababa ng 19% ang tyansang magkaroon ng Alzheimer's habang 29% na mas mababang tyansa na magkaroon ng vascular dementia.

Isinagawa ang pag-aaral sa Annals of Clinical and Translational Neurology sa South Korea na nilahukan ng 46,140 katao na ang edad ay 60 pataas.