Close

Mga taong may hypertension pinag-iingat sa sex

Sponsor ads


Pinag-iingat ng mga espesyalista sa stroke o neurologist, ang mga taong may high blood pressure dahil posible silang ma-stroke.

Kapag mataas ang blood pressure sa 140/ 90, kailangan ay mapababa muna ito bago kayo magpagod, tulad ng pag-ehersisyo o sex. May mga pagkakataon na na-i-stroke ang tao dahil sa pagtaas ng blood pressure.

May mga pagkakataon rin umano na inaatake sa puso ang isang taong habang nagtatalik, lalo na kung ang kasama niya ay hindi niya regular na partner.

Kapag bago o mas bata ang iyong partner, posibleng mas tumaas ang blood pressure dahil sa nerbyos, pagiging excited at pagkapagod sa pagtatalik.

Para maging ligtas, siguraduhing normal ang iyong blood pressure bago magpagod at ang pinakamainam na blood pressure ay mga 120 over 80.

Natural Na Gamutan:
1. Magbawas ng timbang. Kapag kayo ay lampas sa timbang, mas tataas ang iyong blood pressure.
2. Magbawas sa pagkain ng maaalat. Umiwas o magbawas sa paggamit ng asin, toyo, patis at bagoong. Bawasan din ang pagkain ng noodles, daing, tuyo at sitsirya.
3. Matulog ng 7 hanggang 8 oras bawat araw.
4. Magbawas ng trabaho. Ang sobrang daming ginagawa ay puwedeng magdulot ng high blood.
5. Huwag palaging magagalit. Posibleng tumaas ng 50 points ang iyong blood pressure kapag ika’y galit na galit.
6. Labanan ang init ng panahon. Ang mainit na klima ay may epekto din sa may high blood. Uminon ng sapat na tubig sa isang araw. Umiwas sa araw at magpalamig.
7. Hindi gamot sa high blood ang pagkain ng bawang o pineapple juice. Masustansya ang mga ito pero hindi ito sapat para bumaba ang iyong presyon.
8. Tandaan: Kapag lampas sa 160 over 100 ang iyong presyon o may sintomas na kayong nararamdaman, kailangan niyo nang uminom ng gamot para sa high blood. Magpatingin sa iyong doktor.




Credit@Dr. Willie T. Ong