Close

Mga staff ng S&R, naka-quarantine matapos ma-expose kay Pimentel

Sponsor ads


Naka-quarantine ngayon ang mga staff ng S&R Membership Shopping Club sa Bonifacio Global City matapos ma-expose kay Senador Aquilino "Koko" Pimentel na nag-positibo sa coronavirus.

Sa isang statement, sinabi ng S&R na nagtungo sa establisyemento ang senador noong hapon ng March 16, Lunes batay sa kuha ng kanilang CCTV.

Dahil dito, isinailalim sa quarantine ang mga empleyado ng S&R na nakasalamuha ng senador at nag-disinfect na rin ang S&R sa mga shopping carts, handles, mga shelves at registers para mapanatili itong malinis.

Nang hingan naman ng komento si Pimentel tungkol sa statement ng S&R, sinabi nitong noong March 20 sya nagpa-test para sa COVID-19, apat na araw pagkatapos nyang magtungo sa nasabing grocery store.

Mababatid na nagalit ang publiko kay Pimentel matapos mapag-alamang nagpunta ito sa Makati Medical Center kasama ang asawang buntis ngayong isa syang person under investigation na dapat ay naka-quarantine habang di pa inilalabas ang kanyang resulta.