Close

Mga solons na nasa special session, magseself-quaratine

Sponsor ads


Naglabas ng pahayag ang ilang kongresista na kusa silang sasailalim sa self-quarantine matapos magpositibo sa COVID-19 si ACT-CIS Rep. Eric Yap.

Nauna nang pinayuhan ni House Sec. Gen. Jose Luis Montales na mag-self-quarantine ang lahat ng 20 kongresista at 10 House staff na dumalo sa special session ng Kamara noong Lunes. Kabilang si Yap sa mga dumalo sa nasabing sesyon.

Kapwa nag-pahayag sina Majority Floor Leader Martin Romualdez at House Minority Leader Benny Abante na sila ay walang sintomas na nararamdaman at tuloy lamang ang kanilang trabaho kahit na sila ay nakapirmi sa bahay.

Sasailalim din sa self-quarantine sina ACT Teachers Rep. France Castro at si Isabela Rep. Tonypet Albano.

Kasama sa mga inaasahang tatalima sa self-quarantine sina House Speaker Alan Peter Cayetano. Ang mga Deputy Speaker na sina Raneo Abu, LRay Villafuerte, Robbie Puno at Dong Gonzales. Kasama rin sina Representative Bong Suntay, Jon Jalosjos, Manny Lopez, Jonathan Sy-Alvarado, Bambol Tolentino, Blu Abaya, Mike Defensor, Sharky Palma, Precious Castelo at Mikey Arroyo.

Nauna nang humingi ng tawada at pang-unawa si Yap sa kanyang mga nakasalamuha.