Close

Mga residente sa Isabela, nagpapanic-buying na re: Ompong

Sponsor ads


Dagsaan ngayon ang mga mamimili sa ilang mga grocery stores sa ibat ibang lugar dito Isabela, bilang paghahanda sa Bagyong Ompong.

Karamihan sa mga binibili ng mga costumers ay can goods, noodles, biscuit at kandila kung saan nagkakaubusan na ang suplay.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng ilang may ari ng grocery stores na sapat ang suplay ng noodles at mga can goods.

Ayon sa mga staff ng ilang grocery stores hindi na pangkaraniwan sitwasyon ang kanilang
nararanasan sa ngayon.

Samantala, puspusan na ang pag-iikot ng Department of Trade and Industry o DTI- Isabela upang imonitor ang presyo ng mga bilihin sa ibat ibang establishimento at tinitiyak naman nila na walang mananamantala o magtataas ng presyo sa kanilang mga paninda.