Close

Mga pulis sa Lapinig, pinataggal sa pwesto ni Albayalde

Sponsor ads


Pinatanggal ni Philippine National Police chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang lahat ng mga pulis na nakadestino sa Lapinig Municipal Police, Northern Samar.

Ginawa ito ni Albayalde habang iniimbestigahan ang umano'y pagsalakay ng rebeldeng New People's Army sa nasabing lugar.

Kabilang din sa pinatanggal sa pusisyon ni Albayalde ay sina Northern Samar Provincial Dir. Senior. Supt. Romeo Campomanes, 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company Commander Chief Insp. Juan Byron at PRO-Eastern Visayas Dir. Chief Supt. Mariel Magaway.

Sa isang ulat, sinabi na nawala ang mga armas at gadgets ng mga pulis nang mangyari ang pananambang.

Nasaktan din sa insidente ang dalawang pulis na sina PO2 Jerry Quilicol at PO1 Edison Aguire.

Matatandaan na sinabi ni PNP spokesman Senior. Supt. Benigno Durana na tinatayang nasa 100 miyembro ng rebeldeng grupo ang sumalakay sa police station.