Close

Mga preso sa NBP, nagkagulo matapos ang demolisyon

Sponsor ads


Bahagyang nagkaroon ng gulo sa loob ng New Bilibid Prison matapos ang isinagawang demolisyon sa mga kubol.

Matapos ang pagsira sa mga kubol ay inilipat sa Quadrant 2 at 3 ang mga preso na nagmula sa Quadrant 1 at 4 saka ikinandado ang gate.

Kaya naman pwersahang binuksan ng mga preso ang isang gate sa pasilidad para makapasok muli sa kabilang quadrant.

Naharass rin ang ilang nurse na nasa ospital sa loob ng NBP.

Dahil rito ay nagpakalawa ng warning shot ang mga bantay.

Nilinaw naman ni Bureau of Corrections spokesperson Alberto Tapiru na walang nasugatan sa gulo.

Mabilis ring nakontrol ang sitwasyon sa piitan.