Close

Mga pasahero sa seaports, dumami pa sa Holy Tuesday

Sponsor ads


Mas dumami pa ang bilang ng mga pasahero sa mga pantalan ngayong Martes Santo.

Sa tala ng Philippine Coast Guard (PCG), mula alas kaninang umaga, pumapalo sa halos 32,000 ang mga outbound passengers sa mga sea ports nationwide.

Ang naturang bilang ay mas mataas kumpara sa mga naitalang pasahero sa kaparehong oras, kahapon na 23,090 passengers.

Karamihan sa mga pasahero ay naitala sa Southern Tagalog provinces, tulad ng Batangas, Oriental Mindoro, Southern Quezon, Occidental Mindoro at Romblon, na 9,310 passengers.

Sinundan naman ito ng Northern Mindanao sa 7,668 passengers at Central Visayas sa 3,837.