Close

Mga pahayag ni PRRD, nagtutulak ng karahasan

Sponsor ads


Muling binatikos ng Commission on Human Rights o CHR ang panibagong kontrobersiyal na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga opisyal ng simbahan.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline De Guia, tila ang pangulo pa ang nagtutulak ng karahasan laban sa mga nasa simbahan dahil sa mga pahayag nito.

Binigyang diin ni De Guia na kung mayroon mang naglilingkod at tumutulong sa publiko, isa na rito ang mga pari o obispo partikular na sa usapin ng paglabag sa karapatang pantao na dulot ng kampanya kontra ilegal na droga ng administrasyong Duterte.

Para rin kay De Guia, mas nararapat na isaalang alang ang mga komento ng simbahan at gawin itong hamon para mas pagbutihin ang serbisyo at pagbibigay proteksyon sa karapatang pantao ng lahat.

Mababatid na sinabi ng pangulo kamakailan na mas mabuting mamatay na lamang ang mga obispo dahil wala naman itong silbi at alam gawin kundi batikusin ang administrasyon.