Close

Mga ospital sa Metro Mnl, mapupuno sa next 2 weeks - experts

Sponsor ads


Nagbabala ang mga eksperto na maraming mga ospital sa Metro Manila ay nasa "imminent danger" na mapuno ng COVID-19 patients sa susunod na dalawang linggo sa gitna ng patuloy na pagtaas ng infections.

Ayon sa University of the Philippines OCTA Research, na batay sa kanilang pag-aaral, puno na ang mga ospital sa 12 local government units ng hanggang 70 percent ng total allotted space para sa mga kaso ng COVID-19.

Maliban dito, umabot na rin sa critical danger stage para sa bed capacity sa intensive care units ang pitong lungsod para sa infected patients, habang full capacity na ang Makati City at Pateros.

Samantala, binigyang diin pa ng mga researchers ang case positivity rate sa Metro Manila o ang percentage ng mga taong nagpopositibo ay umakyat sa mahigit 15 percent sa unang pagkakataon simula noong Abril.

Dahil dito, ang naturang rate umano ay alarming dahil ayon sa World Health Organization, kailangan maipanatili ng isang bansa ang five percent positivity rate para makontrol ang pandemic.