Close

Mga negosyanteng kinukutungan ng NPA, pupulungin

Sponsor ads


KORONADAL CITY - PLANONG makipagpulong ni Lt. Col. Harold Cabunoc, commanding officer ng 33rd Infantry Battalion ng Philippines sa mga construction firm at negosyanteng kinukutungan umano ng mga rebeldeng NPA.

Sinabi ni Cabunoc, marami sa mga ito ang napipilitan na lamang na magbigay ng revolutionary tax sa NPA dahil sa takot na sunugin ng NPA ang kanilang mga heavy equipment o negosyo.

Ngunit paalala ni Cabunoc sa mga ito, krimen ang pagsuporta sa rebeldeng grupo.

Dahil dito, plano niyang pulungin ang mga apektadong negosyante upang pag-usapan kung paano maitigil ang suportang ibinibigay sa NPA kapalit ng seguridad sa kanilang mga ari-arian. (Girlie Narciso-Solis)