Close

Mga nawawalang labi sa London Tower Fire, tinatayang nasa 58

Tinatayang nasa 58 ang bilang ng mga awawalang labi ng mga namamatay sa sunog sa Grenbell Tower sa London.

Kasalukuyan pa ring hinahanap ng mga pulis ang mga bangkay sa loob ng gusali habang 30 na ang kumpirmadong namatay.

16 katawan ang narekober sa 24-storey na gusali at nakinilala ang isang biktima na si Mohammed Alhajali, 23, isang Syrian refugee.

Nananawagan ng hustisya ang publiko para sa mga biktima ng trahedya at sinisi ang malaking sunog dahil sa kapabayaan ng pamunuuan ng tower matapos ang paglalagay dito ng cladding wall.

Sa kabila nito, bukod sa ipinangakong suporta ni Prime Minister Theresa May sa mga pamilya ng nasaktan sa insidente ay tiniyak din niyang magkakaroon na sapat na tirahan ang mga ito sa loob ng tatlong linggo. |Jasmine Cruz

(Photo from: Getty Image)