Close

Mga natalong kandidato, mag move-on na -Palasyo

Sponsor ads


Hindi pa end of the world.

Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa mga natalong kandidato sa pagkasenador.

Kaya naman payo ni Panelo sa mga ito, magmove on na at huwag magmukmok.

Kaugnay naman nito ay nagpahayag pa rin ng pasasalamat ang Palasyo sa mga nakiisa sa midterm elections na isinagawa noong Lunes, May 13.

Para kay Panelo, lahat naman ng kandidato ay lumaban ng patas at nakipagsapalaran rin ngunit hindi talaga maiiwasan na may ilang hindi papalarin.

Mababatid na karamihan sa nakapasok sa Magic 12 ay pawang mga pambato ng administrasyon.