Close

Mga nakatakas na baboy, gumala sa isang gasoline station sa Australia

Sponsor ads


Huli sa isang video ang ilang baboy na namataang naka-tambay sa isang gasoline station sa Australia.

Makikita sa security camera footage na kuha sa Caltex Service Station sa Upper Coomera, Queensland na sa mismong entrance ng gasolinahan pa pumwesto at palibot-libot ang mga ito alas-2 ng madaling araw matapos makawala sa kanilang bakuran.

Ilang oras din umano ang tinagal ng mga “babe” sa gas station at natagpuan na lamang natutulog sa garden pagsikat ng araw.

Naipag-bigay alam naman ito sa owner na naninirahan malapit sa station at nagawang i-pick up at iuwi ang kanyang mga alagang hayop.