Close

Mga nabiktima ng KAPA, dapat magsampa ng kaso - Palasyo

Sponsor ads


Pinayuhan ng Palasyo ang mga nabiktima ng umanoy scam ng Kapa Ministry International na lumapit na sa korte upang makapagsampa ng kaso.

Ito ang nakikitang paraan ng Palasyo para makuha ang ininvest na pera ng mga biktima ng Kapa Ministry.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maoobliga ang mga ito na ibalik ang pera ng mga nag-invest kung mahaharap sila sa criminal at civil suits.

Tiniyak naman ng Palasyo na hahabulin ng administrasyon ang Kapa pati na ang iba pang investment scheme na inireklamo dahil sa panloloko.

Aabot sa higit P50bilyon ang maaaring natangay ng Kapa sa miyembro nito.

Bawat isa kasi sa miyembro ng Kapa ay nagbibigay ng donasyon na P10,000.