Close

Mga lider ng Singapore, nakiramay sa namayapang Sultan ng Kedah

SINGAPORE - Nagpaabot ng pakikiramay sina Acting President JY Pillay and Prime Minister Lee Hsien Loong sa pamamagitan ng liham sa asawa ng namayapang Sultan ng Kedah.

Si Sultan Abdul Halim Mu’adzam Shah ay namatay noong Lunes Setyembre 11 na magdidiriwang sana sa kanyang ika-90 kaarawan sa susunod na mga buwan.

Ang kaniyang burol sa Alor Star ay dinaluhan ng ilang libong katao kabilang na ang Minister for Foreign Affairs Vivian Balakrishnan na kumakatawan sa Singapore.

Sa sulat ng mga nagpaabot ng pakikiramay, inalala ng mga ito ang mga nagawa ng nasabing Sultan at kung paano nito ginampanan ang kanyang tungkulin sa mga tao.

Ayon kay PM Lee, isang malaking kawalan sa bansang Malaysia ang pagkamatay ng nasabing Sultan na tiyak mangungulila ang karamihan sa mga nagawa nito sa kanilang bansa. CARLO B. VALERIANO-BNTV