Close

Mga laro sa UAAP, kanselado dahil sa Ompong

Sponsor ads


Kanselado ang mga laro ng UAAP season 81 men's basketball tournament dahil sa bagyong 'Ompong'

Ayon sa UAAP, matapos ang obserbasyon nito sa mga pwedeng idulot ng bagyo ay napagdesisyunan nilang kanselahin na lang ang mga laro ngayong Sabado.

Ang mga larong nakansela ay ang mga laban ng Ateneo Blue Eagles kontra Far Eastern University Tamaraws, Adamson Univesity Falcons laban sa De La Salle University Green Archers. // John Angelo Salas (JOT)