Close

Mga hotel sa Kalibo, fully-booked na para sa Ati-Atihan 2018

Sponsor ads


KALIBO, AKLAN — Fully-booked na ang mga hotel at inn sa bayan ng Kalibo para sa nalalapit na selebrasyon ng Ati-Atihan Festival sa January 15-21, 2018.

Nasa 85 porsyento namang handa ang Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Foundation Inc. (KASAFI) para sa mga aktibidad na ilalatag sa week-long celebration.

Samantala, kasado na rin ang lahat ng security plan ng Aklan Police Provincial Office at Kalibo PNP para magbigay seguridad sa mga deboto, bakasyunista at turista na makikisaya sa ‘Mother of All Philippine Festivals’. BNFM Kalibo