Close

Mga empleyado ng OP may P60k na Christmas bonus

Sponsor ads


Makakatanggap ng P60,000 Christmas bonus ang lahat ng empleyado ng Office of the President.

Inanunsiyo ito ni Assistant Executive Secretary Annalyn Tolentino ng Social Secretary Office sa isinagawang Christmas lightning kahapon sa Malakanyang.

Dito ay pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang mga empleyado dahil naging katuwang niya ang mga ito sa pagbibigay serbisyo sa publiko.

Kaugnay nito ay sinabi ng pangulo na umaasa siyang patuloy na magsisilbing ilaw sa buhay ng iba ang mga ito.

Ang tradisyunal na pagsisindi ng Christmas tree ay nakatakda ng 5:30 ng hapon ngunit alas-8 ng gabi na nakarating ang pangulo.