Close

Mga dating Miss U, tiwalang malakas ang laban ni Catriona

Sponsor ads


Marami ang naniniwalang malaki ang tsansa ni Catriona Gray na masungkit ang korona sa Miss Universe pageant na gaganapin sa December 17.

Kasalukuyang nasa Bangkok ang pambato ng Pilipinas kung saan isasagawa ang beauty pageant.

Ilan sa mga kumpiyansang malakas ang laban ni Catriona sa patimpalak ay ang mga dating Pinay beauty queens na suportado ang laban ni Catriona.

Ayon kay Miss Universe 1973 Margarita Moran, di pa nya nakikita ng personal si Catriona pero naniniwala syang malaki ang tsansa nitong manalo dahil sa pananalita nito.

Pero naniniwala pa rin si Miss Margie na kapag para sayo ang korona, sayo ito mapupunta.

Para naman kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, malakas ang laban ng mga Pinay sa beauty pageant kaya di malabong masungkit ni Catriona ang korona.

Super excited na raw sya at inaabangan ang coronation night.