Close

Mga brokenhearted, may tsansang magkasakit sa puso

Sponsor ads


Nagbabala ang isang cardiologist na ang mga taong brokenhearted ay may tsansang magkasakit sa puso na tila ba atake sa puso kabilang na ang mga (namatayan).

Ito ang kondisyong tinatawag na "broken heart syndrome" o takotsubo cardiomyopathy.

Paliwanag ni cardiologist Jeffrey de Jesus, kapag na-stress ang isang tao, dumarami ang produksiyon ng adrenaline (hormone na inilalabas bilang tugon sa stress) sa kaniyang katawan, na nakapipinsala naman sa puso.

Karaniwan umanong nakararanas ng broken heart syndrome ang mga babaeng dumaan na sa menopause o may edad 50 pataas.

Nilinaw naman ni De Jesus sa panayan sa kanyang ng “Good Vibes” ng DZMM na bihira rin daw na mamatay ang isang taong inaatake ng broken heart syndrome.