Close

Mga baril at IED narekober ng militar sa Davao del Sur

Sponsor ads


GENERAL SANTOS CITY - Nasa siyam na matataas na klase ng baril at IED ang narekober ng mga tropa ng 73rd IB at 72nd Infantry Battalion mula sa mga miyembro ng New Peoples Army sa Barangay Tacul, Magsaysay, Davao del Sur kasunod ng kanilang sagupaan.

Ang narekober na mga baril ay kinabibilangan ng anim na M16 rifles, dalawang AK47 rifles, isang M14 rifle, at isang IED, assorted ammunitions at magazines at dalawang Honda TMX motorcycles.

Nagsasagawa ng checkpoint ang mga sundalo ng may apat na NPA members na sakay ng dalawang motorsiklo na biglang nagpaputok sa mga sundalo sanhi ng pagganti ng mga tropa ng gobyerno at nangyari ang mahigit sa 10 minuto na palitan ng putok.

Mabilis ding nakatakas ang mga terorista at iniwan ang mga baril at iba pang mga gamit na siyang narekober ng militar.

Ayun kay Lt. Colonel Marion Angcao, commander ng 73rd Infantry Battalion, Philippine Army na dahil sa patuloy na combat activities napigilan ang masamang plano ng mga terorista. Joseph Reyes