Close

Mga bagay na dating pag-aari ni Michael Jackson, nakatakdang i-auction online

Sponsor ads


Nakatakdang i-auction ang mga bagay na dating pag-aari ng King of Pop, Michael Jackson.

Isasagawa ang online sale sa Okrubre 23, sa pangunguna ng Guernsey’s auction house.

Pinamagatan ang naturang event bilang “Treasures Once Owned by Michael Jackson” sale kung saan may pagkakataon ang mga fans at art enthusiasts na mapasakamay ang aabot sa 80 collectible items na dating nasa posession ni Jackson.

Kabilang na dito ang mga bronze sculptures, malachite candelabras at ang Jackson 5’s first contract sa Steeltown Records, na may lagda ni Joseph Jackson.

Nakatakda din ibenta ang isang Peter Pan bronze statue at wooden model ng Captain Hook’s ship, na sinasabing ibinigay bilang regalo kay Michael Jackson ng actress na si Elizabeth Taylor.

Isusubasta din ang “Gloria Victis” sculpture na ginawa ni French sculptor and painter, Antonin Mercié.

Sa press statement ng Guernsey’s Auctions sinasabing matapos ang isang dekada napagdesisyunan ng collector na nagmamay-ari ng mga items na bigyan ng chance ang mga fans ni Jackson na magkaroon ng parte sa legacy ng King of Pop.