Close

Mga babae, mas nahihirapang makarekober sa stroke vs lalaki - study

Sponsor ads


Lumabas sa isang pag-aaral na ang mga kababaihan ang nahihirapang makarecover sa stroke kumpara sa mga kalalakihan.

Ayon sa review sa 22 studies ang karaniwang female stroke survivors ay mas madami ang limitasyon sa pang araw-araw na gawain kumpara mga male survivor.

Ang mga female survivors ay kadalasang nagkakaroon ng depresyon pagkatapos nilang ma-stroke at nagkakaroon sila ng mababang pananaw sa kanilang buhay.

Ilang mga paliwanang pa ng mga mananaliksik ay ang mga babae ay nagiging matanda at nagiging mahina ang kalusugan kapag nastroke, kumpara sa mga lalaki.

Kadalasan rin umano sa strokes sa mga babae ay typicall more severe.

"There are other things going on here that we just don't understand yet," saad ni Lisabeth, professor sa University of Michigan School of Public Health, sa Ann Arbor.

Ayon pa kay senior researcher Lynda Lisabeth, isang posiblidad nito ay ang social factors kung saan kumpara sa mga lalaki, ang mga babae na nagka stroke ay kadalasang mag-isa sa buhay o di kaya ay socially isolated.