Close

Mga artistang wagi sa mid-term elections

Sponsor ads


Namayagpag ang ilang celebrities sa katatapos lang na mid-term elections.

Kabilang sa mga kilalang personalidad na papasok sa Senado ay ang mga action stars na sina Bong Revilla at Lito Lapid.

Mananatili naman sa kani-kanilang mga pusisyon ang mga reelectionists na sina Ormoc Mayor Richard Gomez, Ormoc Representative Lucy Torres-Gomez, at Batangas Rep. Vilma Santos Recto.

Panalo din sa eleksyon si Yul Servo bilang kongresista ng ikatlong distrito.

Nabigo naman na manalo sa pagka-alkalde ng Maynila ang dating action star at pangulo na si Mayor Joseph Erap Estrada matapos siyang talunin ng dating aktor na si incoming Manila Mayor Isko Moreno.

Ang singer naman na si Imelda Papin ay ang nangunguna sa vice-gubernatorial race sa Camarines Sur.

Ilan pa sa mga nanalong celebrities sa eleksyon ay sina Jomari Yllana at Vandolph Quizon na magsisilbi bilang mga konsehal sa Parañaque City.

Samantala, nabigo naman sa kani-kanilang mga tinakbuhang pusisyon sina Long Mejia, ER Ejercito, Roderick Paulate, at Edu Manzano.