Close

Mga artista, bumoto sa araw ng eleksyon

Sponsor ads


Busy man sa kanilang schedules ay hindi pinalampas ng ilang celebrities at politiko na bumoto sa araw ng eleksyon.

Sa Instagram post ni Angel Locsin ay ipinakita niya ang kanyang hintuturo na may marka ng indelible ink.

Sinabi ni Angel sa caption ng post: "Your country’s future is in your finger tips Vote for a better tomorrow ?"

Sa Inosloban-Marawoy Elementary School, sa Lipa, Batangas naman bumoto sina Batangas Congresswoman Vilma Santos Recto at ang asawa nito na si Ralph Recto kasama ang kanilang mga anak na sina Ryan Christian at Luiz Manzano.

Spotted naman sa polling precinct ng Parañaque ang mag-asawa na sina Mariel Rodriguez at Robin Padilla.

Ipinagmalaki ni Mariel na gumising pa siya ng 5:30 a.m. para lang mauna sa pila.

Hindi naman kagandahan ang naging karanasan ni Karla Estrada, sinabi niya sa kanyang post na kinailangan nilang magsakripisyo sa pila sa kanilang presinto sa Quezon City dahil nagkaaberya ang voting machine.

Sa Quezon City din bumoto sina Senate President Tito Sotto at ang asawa nito na si Helen Gamboa.

Bumoto din ang magkapatid na sina Toni at Alex Gonzaga sa San Isidro Elementary School sa Taytay Rizal polling precinct.


(Photos from IG accounts of robinhoodpadilla and therealangellocsin // Rappler)