Close

Mga Pinoy sa New Zealand, pwedeng bumoto through mail

Sponsor ads


Hindi na kinakailangan ng mga Pinoy sa New Zealand na personal na pumunta sa Philippine Embassy sa Wellington para bumoto sa 2019 midterm polls.

Ayon kay Ambassador Jesus Domingo, maaari nang bumoto ang mga Pinoy sa pamamagitan ng post o mail.

Kasunod ito ng panawagan ng ilang botanteng Pinoy na mag-set up ng voting center sa major cities ng bansa para ma-facilitate ang overseas absentee voting.

Sinabi rin ni Domingo na naglilibot ang mobile consular ng embahada sa buong New Zealand para maglunsad ng voter registration services sa mga Pilipino.