Close

Mga Pinoy sa Haiti,pinag-iingat

Sponsor ads


Inabisuhan ng Philippine Embassy sa US ang mga Pilipino na panatiling protektado ang kanilang sarili laban sa panganib na maaaring idulot ng anti-government protest rallies sa Haiti.

Ayon kay Philippine Ambassador Jose Manuel Romualdez, mas makabubuti kung mananatili ang mga ito sa loob ng kanilang bahay at maghanda para sa personal security plans.

Ngunit kung kinakailangan lumabas, pinayuhan na lang ni Romualdez ang mga ito na umiwas sa mga demonstrasyon o large gatherings.

Mababatid na mayroong 500 Pinoy sa Haiti.

Patuloy namang minomonitor ng embahada ang sitwasyon sa naturang bansa.

Kinumpirma naman ni Philippine Honorary Consul General Fitzegerals Brandt na ligtas ang lahat ng Pinoy sa lugar at inilayo na rin sa mga apektadong lugar.