Close

Mga Briton, patay sa helicopter crash sa Grand Canyon

Sponsor ads


Patay ang tatlong Briton na turista sa Grand Canyon sa California matapos bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter.

Nakilala ang mga nasawi sa mga pangalan na Becky Dobson, 27-anyos, Stuart Hill, 30-anyos, at ang kapatid nito na si Jason Hill, 32-anyos.

Sugatan naman sa insidente ang 3 pang Briton at ang piloto ng helicopter.

Sinabi ng mga nakasaksi sa insidente, nakita nila ang mga biktima na tumatakbo mula sa crash site at humihingi ng tulong.

Ayon sa ama ni Dobson, pumunta sila sa Grand Canyon para ipagdiwang ang kaarawan ni Stuart.

Samantala, hindi pa malinaw hanggang ngayon ang rason ng pagbagsak ng helicopter.