Close

Mexican quake death toll: 96

Pumalo na sa 96 ang bilang ng mga namamatay sa Juchitan, Mexico bunsod ng magnitude 8.1 na lindol na tumama doon noong isang linggo.

Bukod dito, daan-daang residente na rin ang lumikas partikular na sa bayan ng Juchitan kung saan nasa 3/4 o malaking bahagi ng mga kabahayan ang tuluyang nawasak at imposible nang matirahan.

Pinamamadali na rin ng mga opisyal ang pamimigay ng mga ayuda sa mga apektadong komunidad.

Paliwanag ni Oaxaca state governor Alejandro Murat, nasa 1-M tao tao ang nangangailan ng pagkain a inumin, kuryente at tulong sa pagsasaayos sa mga nasirang tahanan sa munisipalidad habang apektado naman ang nasa 1.5-M individbwal sa kalapit Chiapas state na pinakamalapit sa epicenter ng pagyanig.

Umaabot na sa 800 aftershocks ang naranasan sa Mexico mula nang maganap ang malakas na lindol kung saan ang pinaka huli ay ang magnitude 5.2 na lindol kahapon, Linggo ng umaga |Jasmine Cruz