Close

Metro Manila subway, aprub kay Duterte

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang Metro Manila Subway.

Ayon kay Socioeconomic Planning Sec. Ernesto Pernia, ang pagpapatayo ng subway na nagkakahalaga ng P355.6 bilyon ay isa sa mga centerpiece ng P8-trillion infrastructure program ni Duterte.

Sisimulan ang naturang proyekto sa susunod na taon at inaasahang matatapos sa 2025.

Naniniwala si Pernia na malaki ang maitutulong nito sa transportasyon kung saan P2.4 bilyon ang nawawala araw araw dahil sa matinding trapiko.

Tatakbo ang nasabing subway mula Mindanao Avenue sa Quezon City hanggang Food Terminal Inc. sa Taguig at ieextend rin sa Ninoy Aquino International Airport.