Close

Meralco: Brownout asahan sa Holy Week

Sponsor ads


Nag-abiso ang Manila Electric Company sa publiko na magkakaroon ito ng scheduled power interruptions sa maraming lugar sa Metro Manila at sa mga karatig probinsya ngayong Semana Santa.

Makikita ang listahan ng scheduled power interruptions mula April 15 hanggang April 21 sa social media pages ng Meralco.

Ayon sa Meralco, magkakaroon ng brownout dahil sa maintenance operations sa ilang lugar sa Metro Manila, at sa mga probinsya tulad ng Laguna, Bulacan, Cavite, at Rizal.

Dagdag ng Meralco, magkakaroon din ng upgrade sa ilang pasilidad sa mga nasabing lugar.

Matatandaang isinailalim ng National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon Grid sa ilalim ng Yellow Alert na ang ibig sabihin ay meron itong mababa na reserve power.