Close

Meralco, nagwagi sa Game 2 kontra Meralco sa PBA finals

Sponsor ads


Tabla na ngayon sa 1-1 ang 2019 PBA Governors' Cup Finals series, matapos manalo ng Meralco Bolts sa Game 2 kontra Barangay Ginebra sa score na 104-102.

Sinabi ni coach Norman Black na malaki ang naitulong sa kanila ng kanilang mga manlalaro sa bench.

Sinimulan ni John Pinto ang pag-atake matapos nito palitan si Base Amer na nahaharap sa foul trouble.

Sinorpresa ni Pinto ang Gin Kings sa pamamagitan ng apat nitong triples sa unang quarter na nagbigay sa Bolts ng 36-21 na kalamangan.

Naipasok ni Pinto ang apat mula sa kanyang pitong three pointers, bukod pa sa kanyang apat na assists at dalawang steals.

Si Nico Salva naman na pumalit kina Chris Newsome at Allein Maliksi, na naharap sa foul trouble pagkatapos ng halftime break, ang nagbigay sa Meralco ng kinakailangan nitong kalamangan sa ikatlong quarter.

Nakapag-ambag si Salva ng 9 points, 4 assists, at 2 rebounds sa loob lamang ng 17 minutos na paglalaro.

(Photo: PBA Images)