Close

Meralco, magtataas ng singil sa kuryente ngayong buwan

Sponsor ads


Magkakaroon ng dagdag singil sa presyo ng kuryente ngayong buwan ayon sa Meralco.

Mararamdaman ng consumer ngayong November bill ang nasa P0.1135 per kilowatt hour na dagdag sa bayarin sa kuryente.

Katumbas nito ang P22.70 sa bawat 200 kilowatt hour kada buwan na konsumo.

Para sa konsumo na 300 kilowatt hour kada buwan, asahan ang dagdag na P34.05, P45.40 naman sa bawat 400 kilowatt hour at P56.70 sa kada 500 kilowatt hour kada buwan.

Ayon sa Meralco, ang taas singil sa kuryente ay bunsod ng pagtaas ng halaga nito sa spot market at pagtaas ng power consumption noong nakaraang buwan na dulot naman ng mainit na panahon.