Close

Meralco, magtataas ng singil ngayong Oktubre

Sponsor ads


Matapos ang limang magkakasunod na pagbaba sa rate ng Meralco ay asahan na bahagyang madadagdagan ang singil sa kuryente ng kumpanya ngayong Oktubre.

Sinabi ng Meralco na asahan nang tataas ng P0.0448 per kilowatt-hour ang singil sa kuryente dahil sa pagtaas ng presyo ng transmission charge.

Ibig sabihin, kung kumukunsumo ang isang kabahayan ng 200kwh ay asahan na ang dagdag-singil na P8.96, ang 300kwh naman ay magdudulot ng P13.44 na pagtaas sa bill, P17.92 naman ang dagdag para sa 400kwh, habang P22.40 sa 500kwh.