Close

Meralco, i-re-refund ang P1.08B sa customers

Sponsor ads


Maari nang asahan ng mga customers ang refund mula sa Manila Electric Co. (Meralco) na sa kabuoan ay aabot sa mahigit P1-billion dahil sa sobra-sobrang singil mula June 2018 hanggang May 2019.

Dahil ito sa maling kalkulasyon ng Philippine Electricity Market Corporation na may hawak sa Whole Sale Electricity Spot Market.

Ayon kay Energy Regulatory Commission Chair Agnes Devanadera nasa halos P1.4-billion ang kabuoang halaga ng refund para sa mga apektadong consumers ng iba't-ibang utility companies sa Luzon at Visayas.

Bukod sa P1-billion para sa mga customers ng Meralco, ay nasa P371-million naman ang ibabalik sa customers ng iba pang distribution utilities at electric cooperatives.

Sa ngayon ay hindi pa masabi ng Meralco kung kailan ibibigay ang refund dahil kailangan pang kwentahin ang halaga nito sa bawat customer.

Mababatid na sinabi ng spot market operator sa ERC na ang maling kalkulasyon ay idinulot ng mga maling application sa formula ng software nito.