Close

Mental awareness adbokasiya ng Lakambini ng Koronadal 2018

Sponsor ads


KORONADAL CITY - Pagtulong sa mga taong may depresyon ang adbokasiya na gustong tutukan ng kinoronahang Lakambini ng Koronadal 2018 na si Marella Juaman.

Sa interview ng Brigada News FM Koronadal kay Marella na gusto nitong tulungan ang mga taong hindi alam kung paano labanan ang depresyon.

Maliban dito, gusto niyang baguhin ang pananaw ng komunidad na kung may depresyon ang isang tao, may problema ito sa pag-iisip.

Pahayag ni Marella na malaking tulong ang pagkapanalo niya sa Lakambini ng Koronadal upang marami pa itong magawa at matulungan na mga taong may depresyon.

Payo niya rin sa mga nadedepress na tao na humingi ng tulong sa pamilya at mga kaibigan.

Malaki rin tulong ang magpatingin sa mga eksperto katulad ng psychologist at Guidance Counselor.

Napag-alaman na ang 19-anyos na si Marella ay kumukuha ng kursong AB Psychology sa Notre Dame of Marbel na isa sa mga dahilan sa napili nitong adbokasiya. (Tiffany Jill Trinidad)