Close

Menor de edad nabali-an ng paa nang tumakas sa mga pulis

Sponsor ads


KALIBO, AKLAN — Patuloy na ginagamot ngayon sa ospital ang isang menor de edad matapos mabalian ng paa nang tangkang takasan ang mga pulis.

Napag-alaman na nagsagawa ang Kalibo PNP at Kalibo Auxiliary Police (KAP) nang Oplan Sita/Bakal sa lahat ng videoke/KTV bars, gayundin ang pag implementa ng curfew para sa mga menor de edad partikular sa ilang internet shops.

Nang pumasok sa isang internet shop ang mga pulis kung saan nandoon ang nasabing bata ay bigla itong tumakbo at aksidenteng natumba dahilan para nabali ang paa nito.