Close

Megaworld properties, tiniyak na safe matapos ang RWM attack

Tiniyak ng Megaworld na ligtas ang kanilang mga establisyemento matapos ang pag-atake sa Resorts World Manila na ikinamatay ng 38 na tao kabilang ang nag-iisang gunman.

Sinabi ni Jericho Go ng Megaworld na nagsasagawa sila ng regular na pagsusuri at maintenance sa lahat nilang pasilidad.

Hindi na aniya ito kailangang isulat pa sa papel dahil ginagawa naman nila talaga ito.

Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang pag-atake sa RWM, nagpakita na sa publiko ang chairman ng Megaworld na si Andrew Tan.