Close

Meeting nina Trump at Putin sa WW1 commemoration, naka-hold

Sponsor ads


Naka-hold umano ang inaasahang pagkikita nina United States President Donald Trump at Russian President sa Paris sa gaganaping World War 1 commemorations.

Ayon sa ulat, nangangamba ang mga French officials na ang magiging pagkikita ng dalawang world superpowers ay makaagaw ng atensyon sa seremonyang gugunita sa ika-100 anibersaryo ng pagtatapos ng World War 1.

Dahil dito, napagdesisyunan ng Washington at Moscow na i-hold muna ang full-scale meetings nina Putin at Trump.

Kaugnay nito, mayroon na ring negosasyong isinasagawa para sa pagkikita ng dalawang lider sa Estados Unidos.

Bukod dito, umuusad na rin umano ang paghahanda sa meeting ng dalawa sa sidelines ng G20 summit sa Buenos Aires sa November 30 hanggang December 1.